Tulad
nang gawain
noong
musmos pa,
panlaban
sa pagkabagot, iniipon ko
ang
luha
ng
mga kandila.
May
puti, may dilaw,
may
pink, pula
bahaghari
at bughaw.
Kinikinis
ng
istik ng ice drop.
Pinapatag,
pilit
binibilog,
dinadalisay
ang
hugis.
Ngayon,
kininis ko ito
ng
palad ko’t mga daliri
dinarama
ang
kirot
at
hapdi ng init.
Habang
naluluha’t
pasulyap-sulyap
sa
ngalan mong
katititik
lang
sa
lapida.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento