Gabing
walang imik,
kinuha
ko sa salansanan
ang
isang inaalikabok na aklat,
antolohiya ng mga tula.
Nagbasa
ako ng tatlong akda.
tungkol sa pag-ibig
tungkol sa pag-ibig
tungkol sa
pag-ibig
Sa
bawat isang matatapos
tahimik
kong naririnig
unti-unti
gumuguhit
ang
isang himig.
Pinupunit ang gabing walang imik.
Sarili kong tinig.
*pasintabi sa tulang ‘Tatlong
Hiling’ ni Romulo Baquiran, na may linyang ‘pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig.’
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento