“Sa
gitna lang po, Ateng naka-blue, sa gitna lang po! ‘Wag kayong humarang d’yan sa
pinto!”
Inirapan ni Abby ang konduktor. Kangina pa siya napipikon
dito. Pausod nang pausod sa gitna, e mas siksikan nga roon.
“Pausod lang po sa gitna, pausod lang!” parang masama
na rin ang tingin nito sa kanya.
Huminto ang bus. Sauyo na. Bumaba ang dalawang lalaki
sa magkabilang gilid niya.
Pagkalakad ng bus, napatili siya. Nawawala ang cell
phone niya.
“’Yan, pinauusod kasi kayo, ayaw n’yong makinig!”
nanunumbat ang mga mata ng konduktor. “Mga mandurukot ‘yon e. Kilala na namin
‘yong mukha ng mga ‘yon.”
Nakatingin sa kanya ang mga pasahero.
“Sabi ko nga kangina, pagkakita ko, ‘Patay.’ ‘Ayan
na naman,” gatong ng tsuper.
Hindi alam ni Abby ang sasabihin. Para siyang naipit
sa gitna ng kahihiyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento