Sa
mga gabing tahimik,
ito’y
mas maririnig,
kung
yakap-yakap ng dilim,
kasabay
ng paminsan-minsang
ugong
ng sasakyan,
kulitan
ng mga butiki,
kuwentuhan,
yabag ng mga dumaraan,
paghinga
ng refrigerator,
tik-tak
ng orasan.
Sa
mga gabing tahimik,
ito’y
mas maririnig,
at
kung mahal sa buhay ang lumilikha,
kung
sa lugar na kilalang-kilala,
magiging
musika sa kaluluwa,
maghihilom
ang sarili,
madarama
ang tunay na tahanan,
ang
kaligtasan,
pagkatapos,
mararamdamang nasasalinan
ng
bagong katatagan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento