Nasa
Fivestar na bus si Jojo, pauwi sa Bataan. Nasa net sa upuan ang mga pagkaing
binili niya, Piattos, Nova, ensaymada, pineapple juice, at Cloud 9— nakalagay
sa plastik ng Mercury Drug.
Napatingin siya sa upuan sa likod
ng katapat niyang upuan, nakatingin sa kanya ang isang babae, nasa kuwarenta na
rin siguro. Sabi ng kaibigan niya, ganoon daw talaga. Pag may nakatingin sa
iyo, wala kang dahilan, pero mapapatingin ka sa kanya.
“Akin na lang ‘yong plastik,”
nakakunot ang noo nito, salubong ang mga kilay.
Hindi niya ito pinansin. Hindi niya
alam kung anong plastic ang tinutukoy nito, at kung ‘yong lalagyan naman niya
ng pagkain iyon, tinatamad siya. Saka baka may kung ano pa itong motibo.
Makalampas ang isang kanto, huminto
ang sasakyan. Traffic. Nagulat siya sa biglang pagtayo ng babae, tutop ang
bibig. At walang ano-ano, nasuka sa balikat niya.
Moral story: Wag madamot. haha!
TumugonBurahin* Tama, haha.
Burahin