Hunyo 12, 2012, Martes, tanghali.
Magkaharap sa sala si Len-len at ang mama niya. Titser ito sa pribadong kolehiyo, si
Lenlen naman ay sa pampubliko.
“Tanggapin mo na ‘yong limang libo.
Parang iko-complete lang e. Ang liit na nga lang ng sahod mo e. Saka makakapulot ka ba no’n?”
“Hindi nga po. E pagtanda ko naman,
isusumbat pa sa’kin ng konsens’ya ko ‘yong limang libong ‘yon. Mawawala
integridad ko.”
Nalukot ang noo ng mama niya.
“Nakakain ba ‘yon?”
Itinuro ni Len-len ang maliit na watawat
nakasabit sa pinto, isinabit ‘yon ng mama niya kahapon. “Ako muna po sagutin n’yo?
Bakit nagsi-celebrate kayo ng Araw ng Kalayaan? E ‘yon, hindi na nga nakakain,
hindi pa totoo.”
Natahimik ang mama niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento