Sa maruming pinggan
may nagpatong na dalawang langaw
at hindi ko alam kung sino ang nasa
ibabaw.
Agad ko silang binugaw
at mabilis silang sumakay sa hangin
dumapo sa nakasabit na basket
magkaniig pa rin.
Hindi natin ito kaya
ang magsiping habang lumalakad
o ang magsiping sa harap ng publiko.
‘Pagkat hindi tayo mga langaw.
Ngunit
isang bagay ang kaya natin
ang
patuloy na pagniigin ang damdamin
tinatangay
man ng napakalakas na hangin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento