Katatapos lang niya ng kolehiyo
nang
mahilig siya sa mga inspirational na libro
paano
maging mabisang tao
magkaroon
ng malusog na kaluluwa
maging
mabuting asawa
maging
maginhawa’t masaya
magkaroon
ng sandamakmak na kaibigan
mabilis
na pagyaman
maging
matagumpay sa buhay.
Marami
siyang nakuha’t nalaman
mula
nang isabay niya ito sa kape’t pandesal
gawing
unan sa pagtulog
tuwalya pagkatapos
maligo
kakuwentuhan kung
siesta
kasama sa bus kung
naglalakbay.
Maraming sumaludo sa
kanyang talino
at
ramdam na ramdam niyang
hindi
siya pangkaraniwan
nabubuhay
nang may kaganapa’t katuturan
bahagi
ng hangin at ulan
ng kuliglig at gabi
alam
ang patutunguhan.
Ngunit
nang matagal na siyang humihinga
sa handog
na daigdig ng mga bagong pilosopo
sa
sandamukal na aral ng mga inspirational na libro
saka
lang niya napansing
matagal
na palang nawawala
ang
kanyang pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento