Nagliliyab na tala
mabagal na umakyat sa
kawalan,
naniningkad na ningning
sa yakap ng dilim.
Biglang sumabog,
mahinhin ang pagkalat
ng sanlaksang
nagliliyab na bubog.
Bulaklak na namukadkad,
ang tunog, chicharong
nilamukot.
Itinutok mo ang murilat
na mata ng kamera
sa gayon at gayon pang
sining.
Walang patid.
Dumilat-pumikit.
Paulit-ulit.
Kaytagal na nagliwanag
ng kawalan,
sumasabay sa sanlaksang
putok
ang sumasaboy na
malulutong na tunog.
Kasabay ng paulit-ulit
na papuri
ng mga tao sa paligid.
Pagkatapos ng sining,
tiningnan mo sila.
Nasa mga mata nila ang liwanag
kanina
na hindi nahuli
ng iyong mga mata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento