Isang mahaba’t makitid
na itim na guhit.
Sa magkabilang gilid
nakahanay ang mga mall.
Maliliit ang kanilang
pagitan
minsan isang dangkal,
minsan pulgada lamang.
Masdan ang kanilang
kalamnan,
sa loob, sa labas,
malusog, mabulas.
Sa kanilang malayong
likuran,
hindi pansin ang pagkakahanay
ng mga pagamutan.
Patatlu-tatlong dangkal
ang kanilang pagitan,
yayat na yayat
ang kanilang katawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento