Nakaupo ako rito
nang kung ilang oras
na,
nagmamakinilya, at
umiinom
ng alak.
Akala ko
mag-isa lang ako.
nakasara ang bintana
at pinto.
ngayon, isang matabang
langaw
panget at itim
ang umupo sa gilid
ng aking baso.
saan ito
nagmula?
napakatahimik, walang
kagalaw-galaw?
ganoon marahil ang
nagaganap
kapiling
ang kamatayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento