I
Inang Wika kung
tawagin,
pinagmulan kung
ituring.
Ang nanay mo ba’t
probins’ya,
‘tinuturing mong
basura?
II
Dahil lang sa ChEd at
DepEd
masasayang na lamang,
‘tong ating Wikang
Pambansang
daang taong
‘pinaglaban?
III
Itong Wikang Filipino,
wawalisin sa koleh’yo?
Baka mawalis, Pare ko,
pati ating pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento