Mabagal ang takbo,
payapa ang ugong ng
makina,
banayad
maging ang bawat
pagkaldag;
nag-aalangan ang bawat
pag-iwan
sa nagngangang kanto’t
eskinita;
nakababagot ang
pagpapalit ng mga larawan.
Dalawa pa lamang ang
iyong pasahero:
isa sa loob,
isa sa likod.
Sa lawak ng espasyong
pinipilit sakupin ng
mga mata
malimit mong makita
ang patpat na mga anak:
pinakakasimot
ang mga kanin sa
pinggan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento