Marahas, humahalik sa
iyong mukha
ang hanging habagat.
At may kung ano kang
nadampot sa tanawin
o may kung anong
iniabot sa iyo ang hangin,
dagli kang nakalikha ng
tula.
Mabilis ang daloy ng
diwa,
dahong nakalulan sa
agos
ng kristal na ilog.
Ang mga salita,
taludtod
maingat mong
isinalansan:
iniayos, sininop,
pinagsunod-sunod.
Dalawang maingay
na estranghero ang
sumakay.
Malulutong ang halakhak,
pinupuno ang maluwag na
sasakyan.
Binalikan mo ang
isinasalansan,
nagimbal ka sa
inabutan:
basag-basag na ang mga
ito
sa iyong paanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento