Sa malinis na salaming
bintana
pinagmasdan ko ang
lungsod,
siya
at ang katawan niyang
puno nang alikabok.
Hubad na babaeng
nang-aakit
ang nakatitig na mga
billboard.
Malalang galis
ang kinakalawang na mga
bubong.
Masalimuot ang palitan
ng tangkad ng lahat,
at may hiwaga sa
kanilang mga pagitan
at sa mga guwang sa
kanilang katawan.
Mga mata ng pinya ang
mga bintana,
nanlilisik, kayraming
inililihim.
Daluyan ng makutim na
tubig ang mga daan,
nagbarang basura ang
mga tao’t sasakyan.
Sa hangganan nitong
lahat,
nakatindig ang
malalaking gusali,
bahagyang nagkukubli sa
maruruming ulap.
Mga halimaw na laging
naririyan,
nakatanaw, nag-aabang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento