Nanginginig ang kanyang
mga dahon
sa nagyeyelong hininga
ng aircon.
Parang kinukumbulsyon.
Kinurot mo ang kanyang
balat
sapagkat nakatayo ka sa
sangan-daan,
nakatitig sa dalawang
kalsada.
Natural
ang
ngalan ng una, Artipisyal ang
ikalawa.
Natuwa ka na nagawa
mong sugatan
ang kanyang balat.
Inamoy mo pa ang lunti
niyang dugo
sa iyong mga kuko.
Katiyakan sa kanyang
kaganapan.
Ngunit masigla ang
liwanag ng araw sa labas
at ang hangin doon ang dapat
niyang katambal.
Muli mo siyang
pinagmasdan.
At ikaw na itong
nasugatan,
nang mapansin mong nabubulok
ang maraming bahagi ng
kanyang katawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento