Isang Dosenang Haiku
1
Ngumisi’ng
dilim—
nanlisik,
mga mata
ng
avenida.
2
Nagmamadali.
Mga
ilaw sa enleks
ay
Halley’s comet.
3
Nagsuka’ng
lasing
sa
poste, nagulantang
bahay
ng langgam.
4
Tambol
ng dibdib…
huminga
ka’t… nanghablot…
silver
na k’wintas.
5
Bida’y
dumating,
matutulis
na tsismis,
naging
pagbati.
6
Ula’y
bumuhos,
namuti
ang kalsada,
kotse’y
natakot.
7
Mata
ng barker,
biglang
kumislap, nang may
dyip
na dumungaw.
8
Ngumiti’ng
dilim.
Papauwing
dalaga,
niyakap
ang bag.
9
Tulalang
kuting,
Kumaripas.
Dumaa’y
‘sang
dagang kanal.
10
Batang
madungis,
sumayaw
sa kalsada.
Tugtog,
busina.
11
Nilagyan
ng tres.
Hubad-barong
gusgusin,
tulala
pa rin.
12
Damo
sa enleks,
kumakaway
sa mga
bus
na paalis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento