Kilala niya ang mga
haligi
ng aming relasyon
nasa talinghaga
ang kanyang mga payo’t
opinyon.
Magpatuloy
sa paghakbang, mahaba na ang nilakbay.
Alam niya ang ilang
ulit naming
hiwalay-balikan
ang mga taon sa pagitan
ang kirot sa mga
patlang
ang takot
ang lungkot.
Isiniwalat ng kilos ko
at salaysay
ang lahat
ang lahat-lahat
kaya nauunawaan niya
ang salimuot
nakikita ang mga gusot
nasisilip ang
tinatakpang kirot.
Mabigat sa dibdib itong
hiwalayan kahapon.
Parang iba ang lahat.
Sa dibdib ko
may kung anong mabigat.
At sabi niya
Baka
iyan na ang huling kabit sa inyo ng tadhana.
Naging kamay marahil
ang salitang huli
nadama kong kinurot
ang aking dibdib.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento