Umuusok sa telebisyon
ang panggagahasa umano
ni Vhong Navarro.
Lamog na kamatis ang
mukha
lumulukso ang luha.
Nagbabaga.
Nagliliyab sa mata ng
tao.
Mainit na usapan
sa mga opisina at
kanto.
Kasabay nito
maraming illegal
settler
ang winasak ang
tahanan.
Di man lang
napaso ang bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento