Kanina, nang lampas
dose oras na sa
opisina,
natabunan ng papel,
nag-iisa,
may narinig akong
mahinang ugong ng
makina.
Hinawi ko ang kurtina,
walang dumaraang sasakyan
sa malapit na kalsada.
Walang naiwang gadget
sa silya,
sa mesa, istante o
mesita.
Ilang araw na akong
nakatira sa opisina.
Gabi-gabing mag-isa.
Hinlalato ng relo ang
mga mata.
Ito ba ay tunog
ng aking hininga?
10/14/16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento