Tayo rin mismo
ang eskultor ng mga
multo,
sa sinasabi nating
supling ng dilim,
kampon ng demonyo.
Binubuhay natin
ang mga nilalang sa mga
mito
sa mga alamat—
manananggal, kapre,
aswang
mangkukulam, nuno,
tikbalang
sigbin, tiyanak,
mambabarang—
hindi para isalba
sa kutsilyong kuko ng
mga makina;
hindi para manatili
sila
sa ating kultura, sa
ating haraya.
Kundi sa duwag
at makasariling
dahilan.
May personal
at kolektibong tayong
mga aswang—
na hindi na nga
matakbuhan,
hindi pa matitigan.
11/1/16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento