Huwag
sanang isiping
madamot
ako.
Mga munti kong piraso,
itong hinihiram mo.
Ako ang napupunit
tuwing isinasauling
gulanit.
Ako ang nasusugatan,
tuwing natutuklasang
may mantsang naiwan.
Huwag sanang isiping
ito ay pagkamakasarili.
Mas nais ko ang
pang-uring
umiibig
kaya namimili,
nag-aatubili.
10/6/16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento