Sang-ayon
sa mga pamantayan
ng
iyong panginoon at ng iniinugang
tanghalan,
ang lahat
sa
iyong galaw at asal.
May
ipinagduldulang disiplinang
nagtatakda
at
parating magtatakda
kung
papaano dapat tumugon.
Kailangan
mong sumunod
sa
palagay mong makaiinam.
Walang
mahahapding hampas
na
mag-iiwan ng latay
at
masisiglang kirot
na
gising sa magdamag;
may
mumunti pang gantimpala
at
pumpon ng mga palakpak.
Subalit,
bakit sa inumang salaming tubig
walang
ningning ang iyong mga titig?
Ganito
ba ang kapalit
ng
pamumuhay nang pilit
sa
pinilit lunuking daigdig?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento