Nagkakaisa sa babala
ang tinig at mga titik
ng telebisyon, diyaryo
at radyo:
bakal ang mga bisig at
kuko
ng paparating na bagyo.
Nagpalit ng bihis ang
lungsod.
Wari muling mga langgam
o pagong,
nagtago ang mga
billboard.
Sa ilang pauwing mga
tagasyudad,
bago ulit ang lahat.
Sa hubad-barong
kalansay na mga bakal
muli nilang nasisilip
ang kinakalawang
at narerehasang
kalawakan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento