Ilang
araw na sa aking paningin
ang
umuusbong na dahon ng saging.
Papel
siyang nakarolyo,
nasa
pinakatuktok, patulis ang dulo.
Iba
sa matatandang dahon,
sa
langit ang kanyang direksiyon,
ang
matatanda,
nakayuko,
maaaring
nagpupugay
sa kanyang pagsilang,
may
hinahanap sa lupa
o
nabibigatan sa katawan.
Pinasigla
ng kanyang kulay
ang
kabuuan ng pinagmulan,
maputlang
luntian,
nasa
tuktok,
namumukod
tangi sa palibot
ng
mga dahong kulay-lumot.
Ilang
araw lang, alam ko,
matutulad
din siya
sa
matatandang dahon.
Yuyuko,
parang may hinahanap sa lupa
o
nabibigatan sa katawan.
At
pagpupunit-punitin
ang
balikat, baywang at tadyang
ng
hanging tangay-tangay
ang
usok ng siyudad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento