“There’s a magic
runnin’ through your soul.”—Two Steps Behind
Walang
kaibahan ang dilaw
sa
pula, itim, bughaw.
‘Yon
at ‘yon din ang mga bubog sa kalawakan
at
hugis at kulay lamang
ang
nagbabago sa buwan.
Magkakatulad
ang mga kanta
ng
mga ibon kung umaga.
Walang
natatangi sa hilik
ng
mga magulang o mga kapatid
kung
nanghihiwa man ang init
o
kung naririnig ang tinig
ng
naghuhuntahang mga kuliglig.
Ngunit
nagbabago ang ating kaluluwa
at
ito ang magtatakda ng musika
ng
lahat-lahat
sa
ating pandama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento