maaring
hindi para sa akin
ang
darating
sobrang
sikip
ni
ang susunod, ni ang susunod sa susunod
parang sa pagsinta
ngunit
maaring magpumilit
nakatayo’t
ipit na ipit
maaring
makagat ng pinto ang daliri
pagsisihan
ang pagmamadali
parang sa pag-ibig
subalit
batid ko
may
darating
payapa,
maluwag
matuto
lamang magtiwala
maghintay
parang sa pagmamahal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento