Iniibig
kita
tulad
ng pagsasawsaw ng tinapay sa asin saka kakainin
Tulad
ng pagbangon kung gabi nang may mataas na lagnat
at
pag-inom ng tubig, na babasa sa aking bibig
Tulad
ng pag-aalis ng balot ng mabigat na kahong iniabot ng kartero
nang
walang palatandaan kung ano ito
kinukutuban,
masaya, nagdududa
Iniibig
kita
tulad
ng paglipad sa ibabaw ng dagat nang nakaeroplano sa unang pagkakataon
Tulad
ng may kung anong gumalaw sa aking kalooban
nang
unti-unting magdilim sa Istanbul
Iniibig
kita
Tulad
ng pagpapasalamat sa Diyos na tayo’y nabubuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento