Kaibigan
ko ang gabi
ang
pinag-isang himig
ng
ref., ng orasan, ng hilik
ng
bentilador at ng mga kuliglig
ang
hiwaga
at
ang sanga-sangang dilim.
Kaibigan
ko ang gabi
matalik
na kaibigan
sa
mga panahon ng pag-iisip
pangangarap
at
paghubog ng pananalig
mula
sa kapayapaan, sa hangin
at
mga larawan sa isip.
Kaibigan
ko ang gabi
bagama’t
malinaw rin sa aking
sa
mga panahon ng paglimot
at
pagtakas
ang
gabi ring ito
ang
isa
sa
mga pangunahing kalaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento