Martes, Setyembre 25, 2012

Tikbalang


“O, mag-iingat,” iniabot ni Lorie kay Arnel ang blue Tupperware, na may lamang dalawang pirasong pork chop at puno ng kanin, saka siya nito hinalikan sa labi.

“Opo,” ngumiti ang asawa niya, napakatamis.

Napangiti rin siya. Guwapo si Arnel, pero mas gumuguwapo pa ito pag ngumingiti. May isa na silang anak, magtatatlong taon. At natutuwa siya na hanggang ngayon, para pa rin silang bagong kasal. Lumalamig daw ang pag-ibig. Naku, hindi niya ‘yon paniniwalaan.

Nagtapos siya ng office management, pero ayaw ni Arnel na magtrabaho siya. Maganda naman kasi ang sahod nito, bilang assistant manager sa isang malaking hardware sa Banawe.

Tumunog ang cellphone niya, binasa niya. Si Mareng Ruffa niya pala.

Mars_ruffa — sorry

Sumagot siya— nung sorry mars?

Wrong sent yata ito sa kanya. Pero hindi ito nag-reply.

Naglaba siya, naglinis ng kubeta, naglampaso ng sahig, saka nagluto. Makapananghali, nang nanonood na siya ng Eat Bulaga, bumuhos ang napakalakas na ulan. Tumakbo siya agad sa labas, saka isinilong ang mga sinampay.

Malakas ang ulan pero tirik na tirik ang araw! Napakamot siya ng braso. Matitindi siguro ang ikinakasal na mga tikbalang. Biniro na lang niya ang sarili niya, pampawala ng inis.

Sa isang motel sa Quezon Avenue, pawis na pawis na nakaibabaw si Arnel sa Mareng Ruffa niya.

2 komento:

  1. may kulang...hindi naidetalye kung bakit nasa nangangayod na si ariel kay ruffa...walang ibinigay na dahilan para gawin niya iyon sa kanyang asawa..

    TumugonBurahin
  2. maganda ang pokus ng dagli kay lorie, ok din ang build ng detalye... pero kulang nga tulad ng sabi pablo...

    at masyadong pamigay ang huling linya... nakasira sa mysterious mood ng dagli...

    baka pwede pang baguhin ang huling linya. :)

    ako lang...

    TumugonBurahin