Nakayuko sa pilapil ang ilang talahib, kita ang ulo
ng isang tagak na nasa gitna ng nangalirang na mga damo, at tinatangay ng
habagat ang mga langay-langayan.
Pauwi na ang Manilenyang si
Annette, hinatiran niya ng tanghalian ang lolo niya. Nagti-text siya. Mabilis
ang paglipat-lipat ng hinlalaki niya sa mga keypad ng cellphone— 46688660855542
insert smiley— gnun tlga ;)
Naiinggit siya sa mga teenager dito
sa bukid. Kasi rito, walang snatcher at hindi ka mabubundol ng sasakyan.
Malakas din ang signal. Mataas naman kasi ang lugar nila. Puwedeng magdamagang
mag-text.
Rommel: sn k n b?
Annette: pauwi p lang.. ;)
Rommel: pslubong pagblik hehe
Napangiti siya, nang may natapakan
siyang medyo madulas na medyo matigas. At naramdaman niyang humapdi ang kanyang
binti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento