Nagsasagutan ang mga paputok sa subdivision nina
SPO1 Arguello, makukulay ang mga fireworks display, parang mga bulaklak na
namumukdad sa kalangitan at kumakalabog ang mga speaker.
Inilabas ni SPO1 Arguello ang
kanyang .45 pistol. Hindi ‘yon rehistrado, kaya hindi nalagyan ng scotch tape
ng hepe nila.
“Happy New Year!” itinutok niya sa
hangin ang nguso ng baril, saka kinalabit nang kinalabit ang gatilyo—kaysarap,
isang kapangyarihan—napangiti siyang lalo.
Nasa labas ng subdivision ang anak
niya, tanggero sa inuman nilang magkakaibigan, nang manlaki ang mga mata at
mabitiwan ang shot glass.
*Pasintabi
kay Jose P. Rizal, sa pamagat ng ikalimang kabanata ng “El Filibusterismo,” “Noche
Buena ng Isang Kutsero.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento