Gabi-gabi, mula Lunes hanggang Sabado
pagkagaling kong trabaho
‘yon at ‘yon ang mga tanawing nakikita
ko:
kalansay na batang yakap-yakap ng nanay;
matandang tsuper ng dyip
na siksik ang eyebag at nanlilimahid ang
damit;
nanlalagkit sa pawis at may anghit na
konduktor
na nagmamadali ang mga daliri;
matandang babaing nakatalungko
sa paanan ng poste ng Meralco
nagtitinda ng balot, kendi’t sigarilyo;
tindera ng cell phone accessories sa
footbridge
na naghahapunan ng pancit canton;
dalawang marungis na batang babaing
magkayakap sa gusgusing kariton.
Mula Lunes hanggang Sabado
‘yon at ‘yon ang mga tanawing nakikita
ko.
Kaya kada Linggo ng hatinggabi
hindi na ako nagtataka
na sila’t sila rin ang aking nakikita
hawak-kamay na nagmamartsa sa Edsa
parang ginalit baka
nanlilisik ang mga mata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento