Malimit mo silang makita sa lansangan
silang mga tila pinagdamutan
ng magandang kapalaran
ng magandang kapalaran
silang damit ay basahan
silang sa pagngiti, may alinlangan.
Malimit mo silang makita sa lansangan
ng Recto, Cubao, Divisoria’t Sangandaan
sa tarangkahan ng simbahan ng Quiapo’t Baclaran
sa palengke ng Raon, Marikina't Balintawak.
Malimit mo silang makita sa lansangan
nangangalkal ng pagkain sa nilalangaw na basurahan
upang mapatahan sa paghagulgol, pagmumura
bitukang parang hinihiwa
ng mapurol na labaha.
bitukang parang hinihiwa
ng mapurol na labaha.
Musmos ang karamihan sa kanila
na sa halip na naliligo sa ulan, naglalaro
nakikipagpatintero’t nagtutumbang-preso
ay maaga nang inagawan ng laruan
at kinuha sa duyan
ng tagilid na lipunan.
at kinuha sa duyan
ng tagilid na lipunan.
Malimit mo silang makita sa lansangan
pero ni minsan, naaninag mo na ba
lungkot sa kanilang mga mata?
lungkot sa kanilang mga mata?
Narinig mo na ba'ng tangi nilang pangarap
ang guminhawa sa buhay at makaahon sa hirap?
O kaya'y nasabayan sila sa paglalakad
nang walang sapin ang mga paa
nang walang sapin ang mga paa
sa magalas at nakapapaso sa init na kalsada?
Nakatulog ka na ba sa kanilang kama
na yari sa pinagtagni-tagning sako at karton
at nakahimlay, sa dibdib ng bangketa?
Oo, tama ka.
Doon nga sila natutulog sa tabi ng kalsada
doon sa ilalim ng tulay, sa labas ng simbahan
sa mga eskinita
kung gabi ay malamok, niyayakap ng lamig
kung araw ay maalikabok, hinahagkan ng init.
Iyo’y lugar na ni minsa’y di mo tinangkang malapitan man lamang
'pagkat ayaw mong madapuan
ng mga mikrobyong doo'y nananahan
ng mga mikrobyong doo'y nananahan
kapiling ng mga sanggol na walang maliw sa pag-uha
at ng mga batang sa hirap
nagmukha nang matanda.
nagmukha nang matanda.
Narinig mo na ba'ng kanilang daing
sa malamig na tubig sa panahon ng tag-init
sa kumot at pangginaw sa mga buwan ng taglamig?
Narinig mo na ba'ng elehiya
ng pagkalam ng kanilang tiyan
na tanging laman ay maasim na amoy ng rugby
at maantot na panis na lugaw?
Narinig mo na ba'ng kanilang pahayag
na pulos dilim lang ang mundo
na ang buhay ay di naman patas
na wala namang liwanag
na ang buhay ay di naman patas
na wala namang liwanag
at wala naman talagang Diyos?
Malimit mo silang makita sa lansangan
ngunit nasalat mo na ba
makapal na kalyo sa palad nila’t talampakan
makapal na kalyo sa palad nila’t talampakan
o nahaplos man lamang
magaspang at humpak nilang pisngi?
magaspang at humpak nilang pisngi?
Oo, malimit mo silang makita sa lansangan
pero maging araw-araw man iyan
hindi mo rin sila mauunawaan
hangga't tinitingan mo lang sila't
hindi nilalapitan.
hindi mo rin sila mauunawaan
hangga't tinitingan mo lang sila't
hindi nilalapitan.
nakikita ang mga impluwensiya... magandang tula... inagusan ng mga agos...!!! tuloy-tuloy lang pare...
TumugonBurahin* tlgang inagusan ng mga agos a, marami pong salamat..no po bng blog nyo?
TumugonBurahini-click mo lang yung name ko, didirekta ka sa blog ko... tuloy tuloy lang... sapagka't ang tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat!!!! 'ika nga ni roque dalton, sa pgsasalin ni ka roger ordoñez..
TumugonBurahin