Dumarapo
sa iyo ang lungkot
habang nagsusulat
ka
o
nagbabasa,
o
gumagawa ng kung anuman
na batid
mong makabuluhan.
Dumarapo
siya sa iyong balikat,
kawangis
ng uwak,
at
pinapagpag
ang
gamugmog na mga gana
sa iyong
mga mata.
Sa mga
gabing gaya nito,
na gusto
mong manghinayang
sa araw
na dumaan lang,
ngunit
hindi mo magawa,
sapat na
sa iyo
ang
kaibigang mapagkakatiwalaan
ng
mabigat na salaysay
kung
papaanong ang buo mong araw
ay
natatapos sa higaan.
Ngunit,
maraming gabi
ang gaya
nito,
na ang tangi
mong kapiling
ay
kapeng mapait
at
murilat na dilim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento