I
Sanlaksa’ng
salaysay, sa ‘ting
dinadaanan.
Sayang, na
sa
durog nating katawan,
larawan
lang na daraan.
II
Mabuting
Samaritano
rin
ang ilang estranghero.
Sa
b’yahe natin sa mundo,
marami
ring tandang bato.
III
Mahirap
lagi’ng magb’yahe
sa
lungsod. May lungkot, takot.
Ngunit
uuwi may sigla.
Saya
ko’ng makita sila.
IV
Minsan,
nakamata ang b’wan
sa
‘king pagal na katawan.
Mapanglaw,
at umuusal,
“Kaya
mo ‘yan, kaya mo ‘yan.”
9/28/16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento