I
Kahapon,
ang tangi mong
pahinga.
At hayun ka,
nginatngat
at nilapa
ng
sanlaksang labada.
II
Hibla
lamang ang ating
pahinga.
At bukas, sa
aligagang
kalsada,
mayroon
muling g’yera.
III
Mga
daliri tayong
mekanikal
ang galaw.
At
itong hawlang s’yudad,
ang
matandang orasan.
IV
Maiksi
lamang ang buhay,
‘ka
mo. At heto pa tayo,
di
masakay. Dinukutan
ng
mga kamay ng relo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento