I
Labis
ang ating pagod
sa
gin’wang paghahakot.
Ngayong
gabing malungkot,
bakit
di makatulog?
II
Samu’t
saring gamit ang
hindi
natin makita.
‘Sinama
na ba sila
ng
mga alaala?
III
Kay
lubak nitong bagong
daan.
At ayos lamang.
Sapagkat
habambuhay,
di
na tayi lilisan.
IV
Kay
sarap gumising sa
umaga.
Sa bahay na
inyo
na, koleksiyon
ang
laksang alaala.
9/25/16
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento