Araw-araw,
may sobre
sa
aking cell phone,
mula
sa iyo,
tanghali,
gabi
madaling-araw,
umaga, hapon.
At
dali-dali ko itong dinadampot.
Kadalasan,
nagiging paru-paro
ang
mga titik.
Iba-ibang
kulay.
Lila,
dilaw,
kahel,
puti, bughaw.
Sasayaw
sa hangin ang mga ito,
hahalik
sa aking kamay,
labi,
pisngi at noo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento