Kaninang
madaling-araw,
alinsangan
ang muling
gumising,
nagpabangon sa akin.
Naglalagablab
ang kama
at
nagbabaga ang kurtina.
Napangiti
ako sa mabilis
na
panunulay ng pawis.
Higit
itong kaibig-ibig
kaysa
dating kawalan ng himbing
sa
kirot
ng
malamig na pag-ibig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento