Nakaupo sa
tabing-bintana
ang pangunahing tauhan,
sa kanyang tabi, ang
umuusok na kape
sa kanyang paanan,
isang pusang puti
nilalaro ang nag-aagaw-buhay
na ipis.
Malakas ang ulan
maingay, malamig.
Baliw na nagsisikumpas
ang mga puno’t halaman.
Itim na mahahabang
guhit sa hangin
ang mga hibla ng kanyang
buhok,
iniisip ang magiging
buhay sa lungsod.
Tanghaling tapat,
giniginaw sa kusina ang
mambabasa.
Paruparong aali-aligid
ang sariling problema.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento