Ang
pinakamagandang bagay
para
sa mga lumaban nang buong buhay
ay
makarating sa hangganan at sabihin;
naniniwala
kami sa masa at sa buhay
at
ang buhay at masa
di
kami pinabayaan kailanman.
Sa
ganito lamang nagiging lalaki ang mga lalaki,
nagiging
babae ang mga babae,
araw-gabing
nakikipaglaban
para
sa buhay at sa masa.
At
sa pagsapit nito sa katapusan
binubuksan
ng masa ang pinakamalalalim nilang ilog
at
lumulusong sa mga ‘yon nang habang-buhay.
Kaya’t nagiging
malayong apoy sila, buhay,
nililikha ang puso ng
halimbawa.
Ang
pinakamagandang bagay
para
sa mga lumaban nang buong buhay
ay
makarating sa hangganan at sabihin;
naniniwala
kami sa masa at sa buhay
at
ang buhay at masa
di
kami pinabayaan kailanman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento