Nasa ukay-ukay ang
aking puso.
Nasa hindi binibisitang
sulok,
pinapatanda ng mga
alikabok.
May nauna nang
gumamit sa aking puso,
kaya roon siya nagtago.
Nais mo ba siyang
makuha?
Magaan lang sa bulsa
ang kanyang halaga.
Sapat na sa kanya
ang tiyaga mong
maghalukay
magpagpag,
ang hangad na sulsihan
ang kanyang mga sugat.
Buong sarili niyang
iaalay
ang hindi
segunda manong
pagmamahal.
1/16/18
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento