Nasa
loob sila ng bilog na silid
masisigla
ang liwanag
ng
malalaking kandilang nakasabit sa dingding.
Tahimik
na tahimik.
Paisa-isang
tinig ang naririnig.
Nakaupo
sa gitna ang salarin
na
inaakusahang nagnakaw sa kaban ng bayan.
Panatag
ang loob niyang nakasandal
ang
likod sa upuan.
Nangingiti
paminsan-minsan.
Plantsado’t
malinis na malinis
ang
amerikana niya’t pantalong itim.
Makinis
ang maputi niyang balat
malayung-malayo
sa mga magnanakaw
ng
gamot at tinapay.
Sa
kanyang palibot, sa isang malaking bilog
ang
mga tagalitis
na
nasa mga kagalang-galang na postura.
Mga
taong
mas
mahusay magnanakaw
kaysa
sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento