Darating
ang araw
na
magkakaanyo
ang
pangarap na tinanaw na lamang
tiningala
pinabayaan
magkakaroon
ng kamay
paa,
dibdib, tiyan, ulo
magiging
isang multo
bibisitahin
ka sa panaginip
kung
nasa tabi ng bintana ng bus
kung
nag-iisa
kung
nag-iisip.
Lagi
kang susundan
hindi
tatantanan.
‘Wag
magugulat sa makikita
matalim
ang kanyang mga titig
nakapupunit
at
para kang
nakaharap
sa salamin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento