mamula-mula’t
malulutong
na galunggong
umaasong sinigang na baboy
murang sitaw at
okra
sa piling ng isang platitong
pulang-pulang
bagoong
nakalatag
sa mesa
tinititigan
mo
nang
naglalaway
nag-uumapaw sa pagkatakam
may biglang
humahagibis na busina
binangga ang mesa
napadilat ka
nakadukdok ka sa manibela
ng
galising padyak
at nagsisimula
na
ang umaga
sa marungis na avenida