Nang
mahalin kita
kasama
kong inibig
ang
lahat
ang
lahat-lahat sa iyo
ang
tunog
ng
iyong buntong-hininga at ubo
ang
bigat ng mga paa
ang
sining sa paggalaw ng mga mata
ang
kulay at kinis ng kutis
ang
marikit na himig ng mga hilik.
Kaya
ngayon, sa iyong ganap
na
paglisan
libong
ulit akong masasaktan
mamamatay
‘pagkat
kailan man
di
na masisilayan
di
na mapakikinggan
ang
mga bagay
na
pinakaminahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento