May
mga ‘ako’
na
tumatanim sa puso
ng
mga taong ating mahal,
at
parang butong naitae ng maya
sa
tabing-kalsada,
tutubo
nang walang nakaaalam
‘pagkat
hindi nagpaalam.
Sa
pagtigil ng tibok
ng
kanilang puso,
magbabalik
sa atin
ang
mga ‘akong’ iyon,
hindi
kasamang ngangatngatin ng lupa,
tatanim
sa pinakamalusog na lupa
sa
ating kaluluwa,
mamumulaklak
ng mga alaala.
* Para kay Tatay, nasulat ko noong Mayo 21, 2013, nang dadalhin na namin siya sa punerarya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento