May
bagyo, at suspended ang klase,
pumapalakpak
ang mga estudyante.
Marami
ang online, nagbababad
ibinabandera
ang kalayaang magpuyat
mag-movie
marathon, mag-DoTa
mamapak
ng mga episode
sa
paboritong k-drama.
Gusto
mo ring magpakita
ng
kahit slice lang ng ligaya,
magkape
sa tabing-bintana
magmuni-muni
gaya ng pagod at tumatanda.
Pero
hindi mo magawa.
Panglimang
buwan mo nang
wala
pang sahod,
at
bukas, wala uling bayad.
Dumating
kahapon
ang
disconnection notice,
hawak
mo ngayon
ang bill ng tubig.