Ipinagkakatiwala
natin,
ipinakikipagsapalaran,
isinusugal
ang
ating mga Linggo,
ang
nag-iisang araw sa ating isang linggo
na
malaya tayo,
na
maaari tayong lumipad,
na
nagiging buo ang ating pagiging ako.
Iniiwan
natin ang lungsod,
inaakyat,
sinusukat, sinusubok
ang
tarik, salimuot ng mga bundok.
Sapagkat
naluluha tayo, nasusuka
sa
sulasok ng usok.
Natutulig
sa atungal ng mga tambutso’t*
mararahas
na balita.
Nanlulumo
sa matinding lagim
ng
mga kahirapa’t pagmamalupit.
Kaya
kahit mukhang wala nang lakas,
kahit
mukhang nanghihina’t napapagal
ang
ating mga pakpak,
lagi
pa rin tayong naglalakbay.
Kinakaya
ang tarik
at
ang bigat ng mga dalahin—
at
putik, sakaling dumating
ang
ulang mabango at malinis.
Tinatawanan
natin ang mga pagkakadulas,
at
alam nating tumatatag
ang
ating pagkakaibigan.
Sa
pagsasabi ng “Ingat,” sa mga pag-alalay.
Hindi
tayo nalulula kung nasa tuktok na tayo.
Dito
natin lalong pinaniniwalaang
may
nakahihigit sa atin,
tahimik,
walang sawang nagmamasid.
Bubusugin
natin ang ating mga mata
mga
pandama, at kaluluwa
sa
rikit, bango, himig
ng
payapa’t lungtiang paligid.
At
kinabukasan, Lunes, pagkatapos ng lahat
babalikan
natin ang ating mga naiwan.
Matatag
na naman
ang
puso’t mga laman.
At
gaya ng bundok na hindi natitinag,
hindi
tayo kakayaning bugbugin
ng
halimaw na siyudad.
*pasintabi sa maikling kuwentong “Si Anto” ni Rogelio L. Ordoñez, na
siyang pinagmulan ng linyang “atungal ng tambutso.”